Image
Image

MGA KAUGNAY NA BALITA

PAGHAHANDA PARA SA LINDOL

01 Itali o turnilyuhin ang mabibigat na gamit o kabinet sa pader upang hindi mahulog.

Ang mga nahuhulog na gamit ay maaaring makasakit ng tao o humarang sa daanan. Siguraduhin na matibay ang pagkakakabit ng mga kabinet, istante, at iba pang gamit.

02 Suriin kung matibay ang pagkakakabit ng mga bagay na nakasabit sa kisame.

Siguraduhin na ang mga chandelier, bumbilya, at iba pang dekorasyon sa kisame ay maayos ang pagkakakabit upang hindi mahulog sa gitna ng lindol.

03 Suriin kung matibay pa ang estruktura ng mga gusali at bahay.

Magpakonsulta sa isang inhinyero kung matibay pa ang bahay o opisina, lalo na kung luma na ang estruktura. Laging i-monitor ang mga bitak sa pader at poste.

04 Magpraktis at lumahok sa regular na earthquake drill.

Ang "Duck, Cover, and Hold" ay isang epektibong teknik sa oras ng lindol. Maging pamilyar sa exit routes at evacuation area sa bahay o opisina.

05 Itayo ang bahay o gusali ayon sa tamang disenyo.

Kung magpapatayo ng bahay, siguraduhin na susundin ang mga building codes upang maging matibay ito sa lindol.

06 Ilagay sa ligtas na lugar ang mga delikadong kemikal at madaling masunog na bagay.

Ang mga kemikal, LPG tank, at iba pang mapanganib na bagay ay dapat itago sa ligtas na lugar upang maiwasan ang pagsabog o sunog sa oras ng lindol.

07 Maging pamilyar sa mga exit routes at lokasyon ng fire extinguisher, first aid kit, at alarm.

Siguraduhin na ang pamilya o empleyado ay alam kung saan matatagpuan ang mga emergency exits at fire extinguishers para sa mabilis na paglabas sa peligro.

MGA DAPAT GAWIN KAPAG MAY LINDOL

01 Maging kalmado. Kung nasa loob ng matibay na gusali, huwag munang lumabas.

Sa gitna ng lindol, delikado ang tumakbo o lumabas ng bahay o opisina dahil maaaring mahulugan ng debris. Hintayin munang huminto ang lindol bago lumabas.

02 Lumayo sa mga bagay na maaaring mahulog o matumba.

Pumwesto sa likod ng matibay na mesa o sa gilid ng dingding na hindi salamin. Iwasan ang mga kabinet, chandelier, at bintana na maaaring mahulog o mabasag.

03 Gawin ang DUCK, COVER, and HOLD.

Kung nasa loob ng bahay o opisina, yumuko (Duck), humanap ng matibay na proteksyon tulad ng mesa (Cover), at kumapit nang mabuti (Hold). Kung walang matataguan o mahahawakan, manatili sa posisyon hanggang matapos ang lindol.


MGA DAPAT GAWIN PAGKATAPOS NG LINDOL

01 Maging alerto sa posibleng aftershock.

Pagkatapos ng lindol, maaaring sumunod ang aftershocks na mas malakas o mas mahina. Maging alerto at hintayin ang opisyal na abiso mula sa mga awtoridad bago bumalik sa bahay.

02 Kung kailangang lumikas, mag-iwan ng impormasyon kung saan ka pupunta.

Upang madali kang mahanap ng pamilya o awtoridad, mag-iwan ng mensahe o ipaalam sa LGU kung saan ka lilikas.

03 Siguraduhin na ligtas ang bahay bago pumasok.

Bago bumalik sa bahay, suriin kung may bitak sa pader o pinsala sa estruktura. Kung delikado, ipasuri muna sa eksperto bago pumasok.

04 Makinig sa radyo na de-baterya para sa impormasyon at babala.

Makinig sa radyo o abiso mula sa LGU at PHIVOLCS upang malaman ang mga babala tungkol sa tsunami o posibleng pagguho ng lupa.