PAGGGUHO
Ang pagguho ng lupa ay nangyayari kapag ang malaking tipon ng bato, debris, o lupa ay gumagalaw pababa sa isang dalisdis.
Karagdagang impormasyonSANHI NG PAGGUHO
Nangyayari ito kapag may malakas at tuluy-tuloy na pag-ulan o dulot ng lindol.
Karagdagang impormasyonDELIKADO BA ANG PAGGUHO?
Delikado ang pagguho ng lupa dahil maaari itong magdulot ng matinding panganib sa buhay ng mga tao. Depende sa uri ng pagguho—maaaring dulot ng malakas na ulan, lindol, o paggalaw ng lupa—maaari itong makapinsala sa mga bahay, kalsada, at iba pang istruktura.
Karagdagang impormasyonMGA URI NG PAGGUHO
Creep o dahan-dahang paggalaw ng lupa
Mabagal at tuluy-tuloy na paggalaw ng lupa.
Pagdausdos ng Bato o Rockslide
Ang pagdulas ng bato, lupa, at iba pang materyales sa isang ibabaw tulad ng bedding plane, foliation surface, o joint surface.
Pagbagsak ng Lupa
Ang pababa at palabas na paggalaw ng lupa, bato, at iba pang materyales sa isang patag na ibabaw.
Debris Flow
Halo ng tubig at debris na dumadaloy pababa.
Mud Flow o Pag-agos ng Putik
Pag-agos ng pinaghalong tubig, bato, lupa, at iba pang materyales na kadalasang nangyayari sa ilog o ibang daluyan ng tubig.
Pagbagsak ng Bato o Rockfall
Pagkalas ng isang piraso o kumpol ng bato mula sa mataas na dalisdis.
Pagkalat ng Lupa o Spread
Paglawak o pagkalat ng lupa dahil sa malawakang pagguho o panloob na pagbabago ng lupa.
Debris Avalanche
Pinakamabilis na pag-agos ng bato, lupa, at iba pang materyales.
MGA KAUGNAY NA BALITA
Paghahanda para sa Pagguho
01 Kumonsulta sa eksperto sa pagtatayo ng bahay upang maiwasan ang pinsala sa ari-arian.
Mahalagang patuloy na subaybayan ang balita upang hindi maabutan ng masamang panahon nang hindi handa. Siguraduhin na ang bahay o istruktura ay matibay, may matatag na pundasyon, at may alternatibong daan para sa paglikas.
02 Alamin kung may panganib ng pagguho ng lupa sa inyong lugar.
Ang mga lugar na may malambot na lupa, lalo na sa matarik na dalisdis, ay may posibilidad ng pagguho. Magmasid at ipaalam sa mga awtoridad kung may mga bitak o ibang senyales ng delikadong pagbabago sa lupa.
03 Magtanim ng mga puno sa dalisdis o magtayo ng pader upang maiwasan ang pagguho.
Ang mga halaman, lalo na ang mga puno, ay tumutulong sa pagpigil ng pagguho ng lupa. Siguraduhin ding may maayos na kanal sa paligid ng bahay upang hindi tumigil ang tubig na maaaring magpahina ng lupa.
04 Manood ng balita tungkol sa lagay ng panahon at maging alerto sa mga babala.
Alamin mula sa mga awtoridad kung may sistema ng maagang babala upang makapaghanda nang mas maaga.
05 Gumawa ng kanal para sa pagdaloy ng tubig at tiyakin na hindi ito makakasira sa ibang ari-arian.
Mahalaga ang tamang disenyo ng kanal upang hindi lumambot ang lupa sa paligid at maiwasan ang pagguho. Magtayo rin ng harang o pader sa mga lugar na madaling mag-erode, lalo na sa matarik na bahagi.
06 Maghanda ng survival kit na naglalaman ng mahahalagang gamit.
Siguraduhing may emergency kit na naglalaman ng baterya-operated na radyo, flashlight, baterya, gamot, tubig, pagkain, at mahahalagang dokumento.
07 Kung may abiso mula sa awtoridad, agad na lumikas.
Ang pagguho ng lupa ay maaaring magdulot ng pinsala sa bahay at buhay. Kung may babala o senyales ng landslide, agad na pumunta sa ligtas na lugar tulad ng mataas na bahagi ng komunidad o itinakdang evacuation area.
08 Kung nagmamaneho, iwasan ang lugar na may guho.
Ang mga kalsada o tulay na apektado ng pagguho ay maaaring maging mapanganib. Maghanap ng alternatibong ruta at iwasan ang mga lugar na may bitak sa lupa o natumbang puno.
09 Kung nasa labas, lumayo sa gumuhong lupa at hanapin ang ligtas na lugar.
Huwag manatili sa lugar na maaaring magkaroon pa ng kasunod na pagguho. Maghanap ng matibay na istruktura o ligtas na lugar na hindi apektado ng pagguho.
10 Manatiling kalmado at ipaalam sa iba ang sitwasyon.
Ang labis na takot ay maaaring magdulot ng mas malaking peligro. Ipaalam sa iba ang impormasyon at tulungan ang mga nangangailangan, lalo na ang mga bata, matatanda, o may kapansanan.
11 Agad lumikas kung may malakas na dagundong o bitak sa lupa.
Ang malakas na tunog o biglaang paggalaw ng lupa ay senyales ng papalapit na pagguho. Agad lumabas ng bahay, lalo na kung ito ay malapit sa dalisdis.