River Flooding Image 1

Mount Bulusan

Photo taken from https://www.cifor-icraf.org/photocompetition23/contestants/bulusan-volcano-and-lake/

Coastal Flooding Image 1

Mahagnao Volcano

Photo taken from https://www.facebook.com/photo/?fbid=579258134223139&set=a.443435947805359

Urban Flooding Image 1

Mount Arayat

Photo taken from https://www.flickr.com/photos/fmtabora/6787318799

MGA BALITA

MGA SENYALES NG POSIBLENG PAGPUTOK NG BULKAN


Lindol

Madala at sunod-sunod na lindol na may kaugnayan sa aktibidad ng bulkan.

Usok o Aso

Paglabas ng makapal na usok mula sa bunganga ng bulkan.

Magma

Pagliwanag ng bunganga ng bulkan dahil sa presensya ng magma.

Pamumula ng Lupa

Pagpula ng lupa sa paligid ng bulkan.

Pagguho ng Lupa

Pagguho ng lupa na hindi dulot ng pag-ulan.

Pagkatuyo ng Lupa

Pagkatuyo ng lupa sa paligid ng bulkan.

Mataas na Temperatura

Pagtaas ng temperatura sa mga hot spring, balon, at crater lake, tulad ng sa Bulkang Taal.

Pagkatuyo ng Balon

Pagkatuyo ng mga balon o sapa sa paligid ng bulkan.

PAGHAHANDA PARA SA PAGPUTOK NG BULKAN

01 Manatiling nakasubaybay sa balita tungkol sa bulkan at maging alerto sa mga babala.

Palaging makinig sa mga abiso mula sa PHIVOLCS at sa lokal na pamahalaan upang malaman kung may panganib sa inyong lugar. Mahalaga ang patuloy na pagsubaybay sa balita upang makapaghanda bago dumating ang sakuna.

02 Alamin ang lokasyon ng evacuation centers at ang pinakamabilis at pinakaligtas na ruta papunta roon.

Mahalagang malaman kung saan matatagpuan ang mga itinakdang evacuation centers sa inyong lugar. Siguraduhing may malinaw na plano kung paano lumikas sakaling tumaas ang alert level.

03 Ihanda ang emergency kit na may mahahalagang gamit ng pamilya.

Siguraduhin na may sapat na suplay ng malinis na tubig, pagkaing tatagal ng hindi bababa sa dalawang araw, flashlight, radyo na de-baterya, ekstrang baterya, at iba pang personal na gamit.

04 Maghanda ng goggles, dust mask, o face mask para sa bawat miyembro ng pamilya kung may ashfall.

Protektahan ang mata at baga mula sa abo na maaaring magdulot ng iritasyon o sakit sa paghinga. Kung walang mask, maaaring gumamit ng basang tela bilang alternatibo.

05 Ilikas ang mga alagang hayop sa ligtas na lugar.

Kung may alagang hayop, tiyaking may plano kung saan sila maaaring ilipat upang maiwasan ang panganib.


KAPAG NASA LABAS NG BAHAY

01 Humanap ng masisilungan at lumayo sa mga delikadong lugar.

Pumunta sa lugar na ligtas mula sa abo, bumabagsak na bato, at lava kung malapit sa bulkan.

02 Umiwas sa mabababang lugar, lalo na sa mga nasa paanan ng bulkan, ilog, o sapa na maaaring daanan ng lahar.

Ang lahar o mudflow ay maaaring magkaroon ng malakas na daloy, kaya mahalagang lumayo sa mga ilog o mabababang lugar na maaaring daanan nito.

03 Pumunta sa ligtas na lugar at maging alerto sa mga bumabagsak na bato.

Kung may ashfall o pyroclastic materials, humanap ng masisilungan upang maiwasan ang posibleng pinsala.

MGA DAPAT GAWIN KAPAG PUMUTOK ANG BULKAN

01 Agad lumikas patungo sa ligtas na lugar kapag nakatanggap ng abiso.

Sumunod sa mga awtoridad at lumikas sa isang lugar na hindi apektado ng abo, lava, o iba pang delikadong materyal mula sa bulkan.

02 Tulungan ang mga bata, buntis, may kapansanan, at matatanda sa paglikas.

Siguraduhing may kasama silang tutulong upang mapadali ang kanilang paglikas, lalo na kung kinakailangan ng agarang paglikas.

03 Takpan ang bibig at ilong gamit ang basang panyo o dust mask upang maiwasan ang paglanghap ng abo.

Ang abo mula sa bulkan ay maaaring makairita sa mata, baga, at lalamunan. Kung may N95 mask, mas mainam itong gamitin.

04 Ilagay sa ligtas na lugar ang mga alagang hayop upang hindi sila malanghap ng abo.

Siguraduhin silang may masisilungan at sapat na pagkain, dahil ang abo ay maaaring makasama sa kanilang kalusugan.

05 Patayin ang main switch ng kuryente, tangke ng LPG, at linya ng tubig.

Ito ay para maiwasan ang mga aksidenteng maaaring magdulot ng sunog o pagtagas.

06 Isara ang mga bintana at pinto upang hindi makapasok ang abo.

Ang abo mula sa bulkan ay maaaring makasira ng mga gamit sa loob ng bahay at makasama sa kalusugan.

07 Ilagay sa loob ng garahe o imbakan ang mga kagamitan at sasakyan.

Ang abo mula sa bulkan ay maaaring makapinsala sa mga makina at magdulot ng pagkaantala sa operasyon.

08 Takpan ng malaking trapal ang mga bagay kung walang sapat na masisilungan.

Ito ay upang maprotektahan ang mga kagamitan mula sa pagkasira dulot ng abo.

09 Iwasan ang pagdaan sa mga lugar na may malakas na pagbagsak ng abo upang hindi masira ang makina ng sasakyan.

Ang abo ay maaaring bumara sa makina at makasira sa sasakyan.

10 Magsuot ng proteksiyon tulad ng pantalon, long-sleeved na damit, sapatos, at facemask upang maiwasan ang direktang pagkakadikit sa abo.

Ito ay upang maprotektahan ang balat mula sa iritasyon at maiwasan ang masamang epekto sa paghinga.