Malakas na Hangin

Photo taken from https://www.latimes.com/world-nation/story/2024-07-25/typhoon-gaemi-hits-chinas-coast-after-leaving-25-dead-in-taiwan-and-the-philippines

Malakas na Ulan

Photo taken from https://www.bworldonline.com/economy/2023/11/30/560849/disaster-spending-fell-52-4-in-2022-psa/

Epekto ng Pagtaas ng Tubig

Photo taken from https://www.sciencefocus.com/planet-earth/would-it-be-possible-to-surf-a-tidal-wave

Hugis ng Baybayin at Lalim ng Dagat

Photo taken from https://www.flickr.com/photos/eazy360/52586819775

MGA KAUGNAY NA BALITA

PAGHAHANDA PARA SA STORM SURGE

01 Alamin kung may banta ng storm surge sa inyong lugar.

Palaging makinig sa mga babala ng PAGASA upang malaman kung delikado ang inyong lugar.

02 Makinig sa balita tungkol sa panahon at maging alerto sa mga babala.

Kapag may bagyo, mahalagang manatiling updated sa balita upang malaman kung may paparating na masamang panahon.

03 Alamin ang ligtas na lugar ng paglilikasan at ang pinakamadali at pinakaligtas na ruta patungo roon.

Siguraduhin na alam mo kung saan ang evacuation center sa inyong lugar bago pa dumating ang bagyo o panganib.

04 Siguraduhin na ligtas ang inyong bahay. Ilagay sa mataas na lugar ang mahahalagang gamit.

Bago pa dumating ang bagyo o baha, mahalagang ihanda ang bahay upang maiwasan ang pinsala sa mga kagamitan.

05 Maghanda ng survival kit bag na may mga pangunahing pangangailangan ng pamilya.

Siguraduhin na madaling madadala ang survival kit bag at nakalagay sa isang lugar na madaling makuha kung kinakailangang lumikas agad.

06 Bago lumikas, patayin ang main switch ng kuryente, tubig, at tangke ng LPG.

Mahalagang patayin ang mga mapanganib na linya upang maiwasan ang sunog, pagkakuryente, at iba pang aksidente.

07 Kung may abiso mula sa mga awtoridad, agad na lumikas patungo sa mataas at ligtas na lugar.

Kapag may alerto o abiso mula sa PAGASA, LGU, o opisyal ng barangay, huwag nang mag-atubiling lumikas.

MGA DAPAT GAWIN KAPAG MAY STORM SURGE

01 Huwag lumabas ng bahay o evacuation center at patuloy na makinig sa ulat ng panahon.

Manatili sa ligtas na lugar at makinig sa balita upang malaman ang pinakahuling update tungkol sa bagyo.

02 Huwag pumunta sa baybayin o pumalaot sa dagat.

Mapanganib ang mataas na alon at malakas na agos ng tubig dulot ng storm surge.

03 Huwag hawakan ang anumang gamit na may kuryente kung ikaw ay basa o nakatayo sa tubig.

Maiiwasan ang electrocution sa pamamagitan ng pagiging maingat sa paligid.


MGA DAPAT GAWIN PAGKATAPOS NG STORM SURGE

01 Alamin kung may nawawalang kamag-anak o kakilala at ipagbigay-alam ito sa mga awtoridad.

Makipag-ugnayan sa mga barangay o rescue team para sa mabilisang paghahanap.

02 Dalhin sa ospital ang mga nasugatan o may sakit.

Agad na magpasuri sa pinakamalapit na pagamutan kung kinakailangan.

03 Mag-ingat sa pagbabalik sa bahay, lalo na kung may natumbang poste o nasirang istruktura.

Siguraduhing ligtas ang inyong tahanan bago pumasok.

04 Linisin nang mabuti at i-disinfect ang tubig na gagamitin sa pang-araw-araw na gawain.

Iwasan ang pag-inom ng tubig mula sa gripo kung hindi sigurado kung ito ay malinis at ligtas inumin.